Kapag may mahal tayo, gusto natin sa atin lang.
Nagiging possessive tayo na okay lang naman. Dun din kasi nararamdan ng taong mahal natin na mahal talaga natin sila. Ginagawa natin lahat para hindi tayo iwan. Pero minsan nasosobrahan natin. Nasasakal ung mahal natin na hindi na pala okay sa part nila. Nagagawa natin ung mga bagay na ayaw nila. Dun sila magsisimulang magreklamo. Mauumay sa ginagawa natin. Dun na magsisimulang mawala ung pagmamahal nila. Dun na rin magsisimula ung walang katapusang away. At dun na rin sila magsisimulang maghanap ng iba.
Kaya dapat sa love, sakto lang. Tama lang ung love, magtira tayo sa sarili natin. Ung pag-angkin natin sa kanila dapat tama lang, dapat ung hindi nakakasakal. Lahat tayo gusto sa atin lang ung mahal natin, lahat din tayo gustong inaangkin..